it's my social world!











{March 30, 2010}  

Topic: Teacher’s Response to the Topic:

PRODUCT VS PROCESS

Content

I. Teacher’s Profile

Name: Mrs. Marie Joy C. Talavera

Position: Classroom Teacher/Adviser

School: College of the Immaculate  Conception

Age: 26

No. of Years in teaching: 3 years

Educational Philosophy:


II. Profile of the School:

College of the Immaculate Conception

Cabanatuan City


Location:

Sumacab Este, Cabanatuan City, Nueva Ecija

History:

The College of the Immaculate Conception (CIC) traces its roots from the institution founded by Rev. Fr. Ruperto T. Rosario, then parish priest of Cabanatuan City, when he founded the San Nicolas Catholic School in 1926.

In 1936, the school was renamed Cabanatuan Institute by its then Director, Rev. Carlos S. Inquimboy. In that same year also, the Reverend Sisters of St. Paul de Chatres came and helped in the administration of the School for four years. To the reverend Sisters were attributed the opening to the public the secondary courses, and the establishment of a dormitory for girls.

In 1950, the Right Rev. Monsignor Pacifico B. Araullo became the next Head; 1962 the School was elevated to College status, and was thus renamed College of the Immaculate Conception or better known as CIC. Msgr. Araullo was CIC’s Founder and the first President. It was during his term that the School greatly progressed and became known in the City and the Province for being the first Catholic College in Nueva Ecija. In 1937, CIC was chosen as the Center for the Applied Nutrition Program and Teacher Training for Nueva Ecija. It had also served as testing centers for the selection of DOST and PSHS scholars. Msgr. Araullo served CIC until his death in 1980.

Demographical Background:

No. of Years Operating: 84

No. of Students: 810

Teachers: 33

Heads: 8

III. Narrative Report of he Interview

I approach her beside the principal’s office at second floor, high school building.

At first, she ask me why I need to have an interview with her.

Then she answer the questionnaire that I gave to her.

IV. Teacher’s Response

She said that the most important is the process because she can see to it how her students progress.


V. Conclusion

I found out that this kind of interview is very hard to do.

I need to approach the most approachable teacher for me to have this.


Jennifer P. Bautista

BSED-SOC-III



{September 1, 2009}   Iba’t ibang Relihiyon sa Asya.

      Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente at may pinakamaraming bilang ng tao sa mundo. Ito marahil ang dahilan kung bakit mayroon iba’t ibang uri ng relihiyon na nabuo noon pa man.

Ang Asya rin ang pinagmulan ng pinakaunang relihiyon kasama na ang Hinduismo, Buddhismo, Sikhismo, Confucianismo, Taoismo, Kristianismo, at Jainismo at iba’t iba pang paniniwala na nabuo sa kontinenteng ito.

           gsaraswtUna na rito ang Hinduismo. Ang Hinduism ay kilala rin bilang Hindū Dharma o Vedic Dharma sa mangilan-ngilang modernong wikang Indian tulad ng Hindi, Bengali at iba pang kontemporaryong Wikang Indo-Aryan, at ganun din sa iba’t-ibang dilang Dravidian tulad ng Tamil at Kannada. Ito ay ang relihiyong magsimula sa India. Ang ibig sabihin ng salitang-ugat nito na Hindu ay India.

            Kasaysayan: Magpahanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung sino ang nagpasimula ng paniniwalang ito. May mga nagsasabing ang mga Asyano ang nagpasimula nitona kanila namang itiinuturo noon sa kabihasnang Vedic. Sinasabing ang relihiyong ito ay ang pinakalumang “extant”na relihiyon sa buong mundo.

Ito ay kinukunsidera na pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo sapagkat mayroon ito na halos humigit kumulang sa isang biyong tagasunod. Ang pinakamarami ay nasa India, na humigit kumulang 890 milyong tagasunod. Mayroon rin sa bansang Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia.

Paniniwala: Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.

Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

1207668612QPML6JzAng ikalawa ay ang  Buddhismo.

Ang Budismo o Budhismo  ay nangangahulugang “ang landas o batas ng naliwanagan o ng gising”. Ito ay isang relihiyo o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Siddhārtha Gautama o mas kilala bilang Buddha na mamuhay marahil noong ika-limang siglo.

Kasaysayan: Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo.

  • Paniniwala: Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao.

Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon.

Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Alahas (o Three Jewels)

  • Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat)
  • Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha
  • Sangha (Pamayanan ng mga Budista).


Ano nga ba ang kahalagahan sa pag-aaral natin ng kasaysayan? May maidudulot ba ito sa buhay natin sa kasalukuyan? Ang totoo nyan ay meron. Mahalagang malaman ang kasaysayan ng ating nakaraan upang maintindihan natin ang mangyayari sa kasalukuyan. Malalaman rin natin ang pakakaiba ng noon sa ngayon sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pangyayari. Halimbawa na lang sa mga tao, lugar at kagamitan o mga bagay-bagay. Noon, ang mga tao ay wala pang masyadong alam sa mga nangyayari sa daigdig. Kagaya na lang ng kung ano ba ang totoong hugis ng mundo, bakit may mga pangyayari na mahiwaga sa kanila na sa totoo lang ay natural lang naman. Binibigyan ng mga tao noon ng kahulugan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila.

Marahil na rin sa kanilang kuryosidad, sila ay nakakadiskubre ng mga bagay o kagamitan na nakakatulong sa kanila upang mapadali ang kanilang pamumuhay. Maituturing na rin ito na isang teknolohiya noong unang panahon. Kagaya na lang ngayon, ang mga tao ngayon ay marami nang alam pagdating sa teknolohiya. Paggamit ng computer, cellphones, o yung mga bagay na hightech. Lahat na yata ng gawain ay ginagamitan na ng teknolohiya ngayon. Dati naglalakad ka lang o ‘di kaya’y sumasakay sa mga hayop na gamit sa transportasyon, pero ngayon mayroon ng mga sasakyan. Maaari mong bayaran ang serbisyo nito, at kung ikaw ay may kaya o ‘di kaya ay mayaman, maaari kang makabili ng sarili mo.
Isa lamang ang mga ito sa kahalagahan kung bakit natin kailanang malaman ang kasaysayan.
Sana ay natuto ka!

to be continued…



 …Anu-ano ba ang mga ito?

Una ay ang Confucianism. Ito ay binuo ng isang chinese philosopher na si Confucius. Nakatuon ito sa moralidad ng mga tao at sa mga maling gawain. Isa rin itong sistema na may kinalaman sa moral, sosyal, politikal, pilosopikal at ang quasi-religion. Dahil sa mga ito, malaki ang naging impluwensya nito sa kultura ng mga tsino.

 Ang ikalawa naman ay ang Taoism. Ang konseptong ito ay nagsimula sa Tsina mula pa noong nasa unang stado pa lang pagkabuo ng relihiyon. Ang Tao ay isang salita na ang ibig sabihin ay “the path” o “the way”. May kinalaman ito sa pilosopikal at religious tradition na nakaimpluwensya sa mga taga silangang Asya sa loob ng halos dalawang milenyo at sa kanluran sa loob ng dalawang daang taon.

Ang ikatlo at ang panghuli ay ang Buddhism. ang Budismo ay nagmula pa sa India noong 500 B.C. sa pamamagitan ni Siddhartha Gautama. Sya ay tinaguriang “the enlightened one” o si Bhudda. Ang relihiyong ito ay idinala sa Tsina sa pamamagitan ng Silk Road, isang ruta ng mga mangangalakal na nagtutungo sa Tsina na pinamumunuan ng mga dayuhan noong panahon ng Dinistiyang Han. Sa simula, ito ay itinuring na parte ng Taoismo dahil ang dalawang relihiyon ito ay magkapareho. Kahit papaano, may mga monghe pa rin na magmula sa India patungong Tsina at iningatan ang relihiyong ito na matabunan ng Taoismo. Ang mga Buddhist ay niyaya ang kanilang mga tagasunod na matutunan ang mga bagay-bagay sa kanilang sarili.



Noong panahon ng “Bronze Age” (2205-256 B.C.) sa Tsina, ang mga Tsino ay sumasamba na sa iba’t ibang diyos at mga ispiritu. At isa sa importanteng “deities” noong “Shang Dynasty” ay si “Ti” na ang ibig sabihin ay “Deity Above” o “ang panginoon sa kataas-taasan”. Sya ay naniniwala sa pagpaparusa ng mga taong nakakasakit at nagkakasala sa kanya, at ang mga taong sumusunod sa kanya ay binibigyan naman niya ng gantimpala.na ginawa ng kanilang mga mahalagang ninuno na pumanaw na. Ang mga ninunong ito ay pinagsilbiSi Ti ay ang namamahala sa mga diyos at ispiritusa “pantheon”. Ang mga Tsino ay mayroong “spirit gods” na sumisimbulo sa mga bagay-bagay na makikita sa kapaligiran, sa mga bundok, mga bukal, at sa mga bituin sa kalangitan. Sila rin ay may itinuturing na dalawang diyos sa mundo, “the god of soil” at ‘‘the Sovereigh Earth”. Ang mga ito ay tumutukoy kay Ti.Si ay mayroon ding hukuman o “royal court” sa kalangitan han sa Ti at tinulungan siyang mamuno. Ang mga Tsino ay sumasamba sa kanilang mga ninuno na na nagsisilbing tulay sa pagitan ng kanilang diyos at ng sangkatauhan. Ito ay ang mga pari na siyang gumagawang mga trabaho, mula sa pagbabasa ng mga dasal para sa pagka-cunduct ng mga sakripisyo sa punerarya.Mayroon pang ibang klase ng medium ang mga sinaunang relihiyon ng mga tsinoat ito ay ang tinatawag na “augur”. Ang isang augur ay kumukunsulta at nagtatanong sa mga diyos dahil na rin sa mga tao, pagkatapos ay gagamit ito ng mga piling taktika sa pagsamba, kagaya na lang ng oracle bones, upang makahanap ng kasagutan.Ang mga augur ay nagtatanong rin tungkol sa hinaharap, kagaya na lang sa kung papaano ilalabas ang mga aanihin o hindi kaya’y kung papaano magwawagi sa isang labanan.Sa panahon ng snaunang estado ang kanilang relihiyon, ang mga tsino ay binuo ang konsepto ng “Tao” o kapaligiran. ang lahat ng bagay na mkikita sa kapaligiran ay naglalaman ng dalawang magkasalungat na pwersa na tinatawag na “yin” at “yang”. Ang mga bagay na naglalaman ng maraming yin, pwersa na nanggagaling sa mga babae, ay natatangi ng passive, kadiliman, at pagiging malamig.Sa mga tsino, ang buwan ay nagtataglay ng higit na mas maraming yin kaysa sa yang. Ang mga bagay naman na nagtataglay ng yang, pwersang nanggagaling naman sa mga lalaki, ay mainit at punong puno ng liwanagkagaya ng araw. Ang yin at yang ay mga konsepto na nagdadala sa idyolohiya ng Taoism at ng Confucianism.


{August 6, 2009}   Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!



et cetera
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.