it's my social world!











{August 7, 2009}   Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?

Ano nga ba ang kahalagahan sa pag-aaral natin ng kasaysayan? May maidudulot ba ito sa buhay natin sa kasalukuyan? Ang totoo nyan ay meron. Mahalagang malaman ang kasaysayan ng ating nakaraan upang maintindihan natin ang mangyayari sa kasalukuyan. Malalaman rin natin ang pakakaiba ng noon sa ngayon sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pangyayari. Halimbawa na lang sa mga tao, lugar at kagamitan o mga bagay-bagay. Noon, ang mga tao ay wala pang masyadong alam sa mga nangyayari sa daigdig. Kagaya na lang ng kung ano ba ang totoong hugis ng mundo, bakit may mga pangyayari na mahiwaga sa kanila na sa totoo lang ay natural lang naman. Binibigyan ng mga tao noon ng kahulugan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila.

Marahil na rin sa kanilang kuryosidad, sila ay nakakadiskubre ng mga bagay o kagamitan na nakakatulong sa kanila upang mapadali ang kanilang pamumuhay. Maituturing na rin ito na isang teknolohiya noong unang panahon. Kagaya na lang ngayon, ang mga tao ngayon ay marami nang alam pagdating sa teknolohiya. Paggamit ng computer, cellphones, o yung mga bagay na hightech. Lahat na yata ng gawain ay ginagamitan na ng teknolohiya ngayon. Dati naglalakad ka lang o ‘di kaya’y sumasakay sa mga hayop na gamit sa transportasyon, pero ngayon mayroon ng mga sasakyan. Maaari mong bayaran ang serbisyo nito, at kung ikaw ay may kaya o ‘di kaya ay mayaman, maaari kang makabili ng sarili mo.
Isa lamang ang mga ito sa kahalagahan kung bakit natin kailanang malaman ang kasaysayan.
Sana ay natuto ka!

to be continued…

About these ads


boykuratong says:

pa link naman http://angdamimongalam.wordpress.com

thnks !!!



diane says:

ang galing naman ng nagawa nito salamat may aralin nako!



KIM 25 says:

salamat sa inyo dahil sa inyo ko nakikita ang assignment ko thank you:))



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: