it's my social world!











{August 7, 2009}   ANG TATLONG DOKTRINA NG SINAUNANG RELIHIYONG TSINO…

 …Anu-ano ba ang mga ito?

Una ay ang Confucianism. Ito ay binuo ng isang chinese philosopher na si Confucius. Nakatuon ito sa moralidad ng mga tao at sa mga maling gawain. Isa rin itong sistema na may kinalaman sa moral, sosyal, politikal, pilosopikal at ang quasi-religion. Dahil sa mga ito, malaki ang naging impluwensya nito sa kultura ng mga tsino.

 Ang ikalawa naman ay ang Taoism. Ang konseptong ito ay nagsimula sa Tsina mula pa noong nasa unang stado pa lang pagkabuo ng relihiyon. Ang Tao ay isang salita na ang ibig sabihin ay “the path” o “the way”. May kinalaman ito sa pilosopikal at religious tradition na nakaimpluwensya sa mga taga silangang Asya sa loob ng halos dalawang milenyo at sa kanluran sa loob ng dalawang daang taon.

Ang ikatlo at ang panghuli ay ang Buddhism. ang Budismo ay nagmula pa sa India noong 500 B.C. sa pamamagitan ni Siddhartha Gautama. Sya ay tinaguriang “the enlightened one” o si Bhudda. Ang relihiyong ito ay idinala sa Tsina sa pamamagitan ng Silk Road, isang ruta ng mga mangangalakal na nagtutungo sa Tsina na pinamumunuan ng mga dayuhan noong panahon ng Dinistiyang Han. Sa simula, ito ay itinuring na parte ng Taoismo dahil ang dalawang relihiyon ito ay magkapareho. Kahit papaano, may mga monghe pa rin na magmula sa India patungong Tsina at iningatan ang relihiyong ito na matabunan ng Taoismo. Ang mga Buddhist ay niyaya ang kanilang mga tagasunod na matutunan ang mga bagay-bagay sa kanilang sarili.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
%d bloggers like this: